Taunang RYC ng Keepers’ Club Int’l, umarangkada na sa Eastern Mindanao

Taunang RYC ng Keepers’ Club Int’l, umarangkada na sa Eastern Mindanao

INAABANGANG Regional Youth Congress (RYC) ng Keepers’ Club International, umarangkada na sa Eastern Mindanao matapos ang ilang taong pagkaantala nito dulot ng pandemyang COVID-19.

Bakas ang saya at pananabik na muli ay nagkasama-sama ang mga kabataan sa Eastern Mindanao para sa taunang Regional Youth Congress (RYC) ng Keepers Club Int’l ngayong opisyal na itong binuksan dito sa lungsod ng Butuan.

Sa unang pagkakataon matapos ang pananalasa ng pandemyang COVID-19 ay nagkaroon na ng face to face activity ang Keepers’ Club International na pinamumunuan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Ang mga Young People at Young Ambassadors of the Kingdom (YSAK) ay nagmumula sa iba’t ibang lugar ng CARAGA.

Gaya na lamang sa Butuan City, Cabadbaran City, Surigao City, Tandag City, San Franz, iba’t ibang bayan ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte at Surigao del Sur at siyempre hindi rin magpapahuli ang mga kabataan na nagmula sa mga sikat at dinarayong lugar ng Siargao Island at Dinagat Islands.

“I just want to thank our Almighty Father through His Appointed Son Pastor Apollo C. Quiboloy, for giving us young people the privilege to be gathered here in Butuan City for the 3 days Regional Youth Congress where we competed in different sectors of music, sports, literature and other events. It was honed young people to it, hang as to hone, to showcase our talents not only through our own but to showcase it to our Almighty Father how talented we are in the Kingdom,” saad ni Jefferson Montil, Delegates, Dinagat Islands.

“To Pastor, I’m very honored and very thankful that you gave me the opportunity and the privilege to be part and to join this spectacular.. kasi owing to the fact that this is my very first face to face RYC. Actually like overwhelming talaga ang energy, ang iyong maramdaman na hindi ka talaga magsisisi na makasali sa mga Youth Congresses,” pahayag ni Aubrey Gail Emata, Delegates, Agusan del Norte.

Sinimulan ang Regional Youth Congress nitong Hulyo 20-22, 2023 kung saan iba’t ibang mga aktibidad ang isinagawa tulad na lamang ng skirting, multimedia events tulad ng broadcasting, videography, photography, andiyan din ang music fest gaya ng choir competition, solo singing, mini band at siyempre ang competition sa pampalakasan tulad ng basketball at volleyball.

Lubos naman ang pasasalamat ng Keepers’ Club International volunteers sa suporta na ibinigay ng butihing Pastor para sa naturang RYC.

“Hindi talaga namin inasahan na kami ang magiging grand champion, ang lugar ng Surigao del Norte, ever since ngayon lang talaga nananalo ang Surigao del Norte/Dinagat Islands, Praise the Father. Itong lahat hindi namin magagawa kung wala ang kapangyarihan ng anak through the blood, tears, sacrifices, pagkakaisa ng aming team, Praise the Father. Itong lahat  hindi namin magagawa kung wala ang anak, kung wala ang mga panalangin, kung wala ang pabor na ibinigay ng Dakilang Ama sa pamamagitan ng Anak,” wika ni Lorigen Quirong-Youth Leader.

Sa matagumpay na RYC ngayong taon ay mas lalo pang pag-iibayuhin ng mga KCI members ang kanilang mga talento para sa ikabubuti ng kanilang kinabukasan at bilang mga kabataan na siyang pag-asa ng bansa.

“From Surigao del Norte, from Agusan del Sur, from Agusan del Norte, from Surigao del Norte, thank you Pastor, we love you.”

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter