MAS pipiliin ni Spanish Tennis Player Carlos Alcaraz na maglaro sa 2024 Paris Olympics.
Ito aniya kung ikukumpara ang Olympics sa French Open na ikinokonsiderang major tennis tournament.
Sinabi ni Alcaraz, ninanais niyang makuha ang gintong medalya sa Olympics at sa katunayan, ito nga ang isa sa kaniyang target ngayong taon.
Matatandaang nanalo na si Alcaraz sa US Open noong 2022 at Wimbledon noong 2023. Si Alcaraz din ay defending champion sa Argentina Open.
Ang French Open ay mula Mayo 20 hanggang Hunyo 9 kasama ang Olympic Tennis sa parehong Roland Garros venue mula Hulyo 27 hanggang Agosto 4.