APRUBADO na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang National Certification III para sa Child Development Workers (CDWs).
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, sa naturang pag-apruba ng TESDA ay matutugunan na ang kakulangan sa kwalipikasyon at suporta para sa mahigit 68,000 CDWs sa buong bansa.
Sa paliwanag pa ng senador, marami sa CDWs ang kulang sa kagamitan, pagsasanay, at sapat na sahod kung kayat’ isang mahalagang hakbang ang sertipikasyong ito tungo sa kanilang professionalization.
Kung nais ani Gatchalian na mapabuti ang early childhood education, kailangan munang bigyan ng kapangyarihan ang mga tagapaghatid nito.
Batay sa ulat, marami sa CDWs ay kulang sa training, nakatatanggap ng mababang sahod, at nagtatrabaho lang sa ilalim ng non-permanent contracts.
Samantala, nasa P80M sa ilalim ng 2025 budget ang inilaan para sa scholarship training ng CDWs.