OPISYAL nang itinalaga si The8 ng Seventeen bilang pinakabagong brand ambassador ng French fashion company na Louis Vuitton.
Nitong Abril 19, 2025 nang inanunsiyo ng brand ang pagiging ambassador ng artist bilang bahagi ng kanilang bagong art exhibition na pinamagatang “Painting from Nature.”
Matatandaang dati nang nagkaroon ng maraming ugnayan si The8 sa Louis Vuitton kabilang na ang kaniyang pakikiisa sa music production para sa 2025 Fall/Winter Men’s Fashion Show ng brand.
Dahil dito, kasama na si The8 sa K-pop idols na ambassadors ng Louis Vuitton gaya ng mga grupong Riize at Le Sserafim at nina J-Hope ng BTS, Hyein ng NewJeans, Lisa ng BLACKPINK, at Felix ng Stray Kids.