SA nagpapatuloy na semifinals ng PBA Commissioner’s Cup, hawak na ngayon ng TNT Tropang Giga ang 2-0 lead sa kanilang serye laban sa Rain or Shine Elasto Painters.
Sa kanilang laban, tabla ang iskor sa first quarter, ngunit pagsapit ng second quarter, lumamang na ng 10 puntos ang Tropang Giga.
Sa third quarter, bahagyang naibaba ng Rain or Shine ang kalamangan ng TNT.
Gayunpaman, sa huling higit limang minuto ng laro, hawak pa rin ng Tropang Giga ang 11-point lead sa iskor na 93-82, habang na-fouled out pa ang import na si Rondae Hollis-Jefferson.
Sa natitirang oras, hindi na nagawang makapuntos ng TNT, habang hindi rin sumapat ang paghabol ng Elasto Painters, kaya nagtapos ang laban sa iskor na 93-91.
Dahil dito, dalawang panalo na lang ang kailangan ng Tropang Giga para umabante sa finals.