Top 10 highest paid cabinet officials noong 2024 inilabas ng COA

Top 10 highest paid cabinet officials noong 2024 inilabas ng COA

PARA sa maraming Pilipino, palaisipan kung magkano ba talaga ang sahod ng isang miyembro ng gabinete ng Pangulo.

Ngayon, sa pinakabagong ulat ng Commission on Audit (COA), inilabas ang listahan ng 10 Cabinet officials ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na may pinakamataas na kabuuang kita—kasama na ang suweldo, allowance, at benepisyo.

Pinakamataas ang sahod ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr., na may kabuuang kita na ₱6.38 milyon noong 2024.

Dahil dito, naungusan niya ang iba pang miyembro ng Gabinete, kabilang ang mga matataas na opisyal mula sa Justice at Education department.

Noong 2023, si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nanguna sa listahan, pero bumaba siya ngayong taon sa ikatlong puwesto, may kinita na ₱5.28M.

Pumangalawa naman si dating CHED Chairman Prospero de Vera III na kumita ng ₱5.37M.

Si Commissioner Shirley Castañeda Agrupis ang humalili kay dating CHED Chairman Prospero de Vera III matapos tanggapin ni Pangulong Marcos ang kaniyang pagbibitiw.

Narito ang iba pang pasok sa 2024 Top 10 Highest Paid Government Officials:

Pang-apat si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na may ₱5.191M.

Pang-lima si Labor Secretary Bienvenido Laguesma – ₱5.186M.

Pang-anim si Health Secretary Teodoro Herbosa – ₱5.11M.

Pampito si Information Communication Secretary Ivan Uy – ₱5.03M.

Pang-walo si Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III – ₱4.99M.

Pang-siyam si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel – ₱4.96M.

Ika-sampu naman si Public Works Secretary Manuel Bonoan – ₱4.95M.

Ayon sa COA, mas mababa ang kita ng ibang opisyal tulad nina Education Secretary Juan Edgardo Angara at Communications Secretary Cheloy Garafil dahil sa kanilang mid-year appointment.

Ang mahigit 1,400-pahinang ulat ng COA ay bahagi ng transparency ng pamahalaan—upang malaman ng publiko kung saan napupunta ang pera ng bayan at sino ang talagang binabayaran nang malaki.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble