Top 5 Most Wanted NPA leader arestado

Top 5 Most Wanted NPA leader arestado

ARESTADO ang isang 50-anyos na mataas na opisyal ng New People Army (NPA) sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nangyari ang nasabing operasyon nitong Huwebes Hunyo 6, 2025 sa Brgy. Indahag, Cagayan de Oro City.

Ayon sa CIDG, ang naaresto ay Top 5 Most Wanted sa Region 11 at Region 12 para sa kasong murder at paglabag sa Anti-Terrorism Act.

Nakuha rin sa suspek ang kalibre 45, mga bala, blasting cap at maging mga pekeng ID.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble