Tourism hotline, ilulunsad ng DOT sa katapusan ng 2022

Tourism hotline, ilulunsad ng DOT sa katapusan ng 2022

ILULUNSAD ng Department of Tourism (DOT) sa katapusan ng 2022 ang isang Tourism Assistance Call Center na magiging katuwang ng mga turista sa buong Pilipinas.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang Tourist Assistance Call Center ay tutugon sa mga anumang request para sa impormasyon at assistance na kinakailangan ng mga turista.

“As part of the Marcos administration’s objective to enhance the overall tourist experience in the Philippines, local and foreign tourists will soon have a hotline to call should they require information or need any assistance if any untoward incidents occur during their trip,” pahayag ni Frasco.

Ayon kay Frasco na kilala ang mga Pilipino sa kanilang kabaitan at mabuting pakikitungo at ang mga ito ay maipapakita sa Tourist Assistance Call Center.

“Filipinos are known for their kindness and hospitality. These virtues will be fully reflected in our Tourist Assistance Call Center as tourists feel secure in the love, warmth, and care that we shall devote to every step of their journey!” ayon kay Frasco.

Gagawing multilingual ang nasabing assistance call center upang agad makaresponde sa mga pangangailangan at katanungan ng mga dayuhan.

“We fully intend for this tourist assistance call center to be multilingual so as to be able to correspond to the needs of international tourists as well,” ani Frasco.

Target ng DOT na ilunsad ang Tourist Assistance Call Center sa katapusan ng 2022.

Maiban dito, pinaplano rin ng  DOT ang paglulunsad ng Tourist Lifecycle App.

Paliwanag ni Frasco na ang application na ito ay magsisilbing “super app” na magkokonekta sa mga turista sa mga DOT accredited na establisyemento, mga transportasyon, restaurants, tour operators, at tour guides.

“We will create a Tourist Lifecycle App which will serve as a ‘Super App’ that aims to connect tourists to accredited tourism establishments for accommodation, food, shopping, rides to accredited transportation, tour operators, and tour guides,” dagdag ni Frasco.

Tampok din sa nasabing application ang isang e-commerce platform na ipapakita ang mga produktong gawang Pinoy.

 

Follow SMNI News on Twitter