Tourism industry ng Alaminos City, bumabawi na mula sa epekto ng COVID-19 pandemic

Tourism industry ng Alaminos City, bumabawi na mula sa epekto ng COVID-19 pandemic

BUMABAWI na ang turismo ng lungsod ng Alaminos mula sa ilang taon na panalasa ng pandemiya, isa na rito ang pagtaas ng bilang ng tourist arrival sa unang bahagi ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Migel Sison, tourism officer ng lungsod, as of July 3, 2024 ay umabot na sa 250,000 hanggang 260,000 ang tourist arrival sa lungsod.

Umabot na rin ang nakolekta sa P30-M mula sa P50-M target nito ngayong taong 2024.

“Target namin for the year of 2024 ay P50-M. We are very positive that we could reach if not over our target. Kasi ngayon there are a lot of improvements that we develop in Hundred Islands ‘yung tinatawag nating product development kung saan pinupuntahan ng ating mga turista,” ayon kay Migel Sison. Tourism Officer, Alaminos City.

Ani Sison, dinadayo ng mga turista mapa-lokal man o banyaga ang Hundred Islands ng lungsod.

Simula noong nakaraang taon ay bukas na sa publiko ang Pilgrimage Island at bagong tourism attraction naman ang Ramos Island kung saan matatagpuan ang Bonsai garden at iba’t ibang structures na Instagram-able ang view kabilang ang lovelock.

“Doon po sa lugar na ‘yun tinatawag nating Ramos Island, meron po tayo doon na parang retreat house at may coffee house din doon. Sa may taas noon na kung saan visitors could go there relax, see the view 180 degrees ng Hundred Islands na makikita po din natin yung view na kung saan kung nandoon kayo kala niyo po ay nasa ibang bansa kayo at hindi sa Hundred Islands. And then we are working out na magkaroon na ng accommodation doon hopefully by late next year ay i-open namin sa public,” ani Sison.

May tatlong zipline rin na matatagpuan sa Hundred island at isa na rito ang longest zipline na may mahigit 500-meter ang haba mula sa Governor’s Island patungong Virgin Island.

Para naman sa mga beginner, merong silang offer na 125-meter zip line na matatagpuan sa Quezon Island.

Kabilang din sa attraction ang Mayor’s Island na may special guest house para sa isang pamilya kung saan kumpleto ang aminidad at may libreng breakfast.

Malaking tulong din aniya para sa lungsod, maging sa mga negosyante ng Alaminos City ang pagdaung ng mga cruise ship mula sa Europa, Amerika, Japan, o China dahil mas malaki ang kikitain nila pagdating sa pagkain, akomodasyon, pag-renta ng bangka hanggang sa pag-renta ng isla.

“Income generating sa amin. Malaking tulong kasi they are renting the island one hundred twenty thousand for several hours siguro mahaba na yung six hours sa kanila. And then they rent also the boat kasi ang mga large boat namin na tag-2,500 they rent it in a higher price. At ang capacity nila ayaw nila ng maximum usually anim lang ang gusto nilang capacity. And then ganun din kumikita rin ang ating mga tour guide kasi every boat dapat may tour guides and they are also paid by the company kaya ‘yan din ang isang bagay na malaking tulong sa ating mga stakeholders dito,” saad pa ni Sison.

Ang iba pang mga aktibidad na maaaring magawa ng mga turista ang hurricane ride, banana boat, helmet diving, sea bikes o water bikes at balak namang ibalik ang jetskie sa buwan ng Setyembre.

Para naman sa seguridad ng mga turista, ay meron silang dagdag na P10 para sa insurance fee. Kung sakali man na mayroong hindi inaasahang aksidente ay nakahanda ang sea ambulance para sa rescue operation at nakahanda ring magbigay ng tulong-pinansyal ang lungsod kung kinakailangan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter