SINABI ni Senatorial Aspirant Norberto Gonzales na maganda ang transparency, pero may mga pagkakataong hindi ito maiiwasan. Ang mga exceptions dito ay tinatawag na intelligence at confidential funds.
“Siyempre napakaganda ng transparency. Pero sa operasyon ng gobyerno, hindi natin maiiwasan na mayroon talagang hindi transparent.
Kontroberysal masyado ‘yung ganitong uri ng pondo na tinatawag nating confidential funds at intelligence funds, mayroon tayong batas para diyan.
Mukhang hindi transparent, ang ibig sabihin lang natin niyan pinagkakatiwalaan natin ang partikular agency na nararapat na mag-monitor niyan. Kaya lang ang nangyari sa atin mukhang namimis-understand ngayon, ginagamit na political weapon para manira ng ilang lider ng ating bansa. So, okay transparency is rule talaga pero may exceptions. Ang exceptions tinatawag nating intelligence at confidential funds,” pahayag ni Norberto Gonzales, Senatorial Aspirant.