Tripartite agreement, hindi dahilan ng mahinang vaccine rollout

Tripartite agreement, hindi dahilan ng mahinang vaccine rollout

MARIING tinutulan ni Secretary Joey Concepcion, Presidential Adviser for Entrepreneurship na ang tripartite agreement ang dahilan ng mahinang vaccine roll out sa bansa.

Hindi totoo na ang tripartite agreement sa pagitan ng bansa at vaccine manufacturers ang nagpapatagal ng vaccine rollout.

Sa panayam ng SMNI News kay Secretary Concepcion, sinabi nito na November pa noong nakaraang taon natapos ang tripartite agreement kung kaya’t hindi ito gawing rason ng mahinang vaccine rollout.

Ang problema aniya, ang demand ng supply ng bakuna sa buong mundo ang dahilan.

“No, no, no. That’s not true. The Tripartite Agreement has been completed last year. The Tripartite, we started that (and) finished it in November 27. Walang problema d’yan sa Tripartite. ‘Yung mga delay dito- sa mga arrivals (ng vaccines), talagang ganyan talaga ang demand ngayon sa buong mundo ng mga vaccines, eh,”pahayag ni Concepcion.

Nilinaw din ni Concepcion na maingat ang bansa sa pakikipagsundo sa anumang mapipiling vaccine manufacturers para walang magiging problema ang matuturukan ng mga bakuna nila.

Samantala, sana’y wala nang lockdown sa fourth quarter ng taon ayon kay Concepcion.

Kaya kailangan na aniyang magkaroon ng solusyon para mahinto na ang pagpapatupad ng lockdown.

Suhestiyon pa niya, baka maaaring limitahan ang galaw ng hindi pa bakunadong indibidwal.

BASAHIN: Pangulong Duterte, hiniling sa US ang karagdagang COVID-19 vaccines

SMNI NEWS