PALAPIT na ng palapit ang dalawang koponan na maghaharap sa finals ng PBA Commissioner’s Cup.
Sa game 4 ng semifinals series, muling nagwagi ang TNT Tropang Giga laban sa Rain or Shine Elastopainter sa iskor na 93-85 sa Smart Araneta Coliseum nitong Miyerkules, March 5.
Sa umpisa pa lang ng kanilang laro, nagawa ng makontrol ng TNT ang kanilang score sa 26-21.
At sa end of second quarter, umabot pa sa sampung puntos ang lamang ng Tropang Giga na malaking tulong sa kanila sa second half para tuluyang magwagi sa kanilang laban.
Nanguna sa panalo ng koponan si Calvin Oftana na gumawa ng 26 points habang nag-ambag ng 22 points si RR Pogoy.
Sa ngayon, 3-1 na ang kanilang serye at isang panalo na lang ang kailangan ng TNT para umusad sa finals.
Follow SMNI News on Rumble