Trump, hindi nag-aalala sa tensiyon sa West Philippine Sea

Trump, hindi nag-aalala sa tensiyon sa West Philippine Sea

Sinabi ni US President Donald Trump na hindi siya nababahala sa tensiyon sa West Philippine Sea at tiniyak na maaaksyunan umano ang naturang usapin.

Ginawa niya ang pahayag sa bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, nang tanungin tungkol sa kahandaan ng Amerika na ipagtanggol ang Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.

Binigyang-diin naman ni Marcos na nananatiling treaty ally ng Pilipinas ang United States, habang ipinagdiriwang ng dalawang bansa ang 80 taon ng diplomatic relations at 75 taon ng kanilang defense alliance.

Ayon kay Trump, lalo pang pinalalawak ng dalawang bansa ang defense cooperation, kabilang ang pagtaas ng US military financing at pag-apruba sa mahigit limang bilyong dolyar na arms sales.

Sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty, kapwa nangangakong magtutulungan ang Pilipinas at Amerika sakaling magkaroon ng armadong pag-atake sa alinmang bansa.

Nagpapatuloy ang tensyon sa South China Sea dahil sa malawak na maritime claims ng China, na nag-o-overlap sa exclusive economic zones ng ilang bansa, kabilang ang Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter