Bagong SC Associate Justice Gamaliel Cordoba, manunumpa ngayong araw

Bagong SC Associate Justice Gamaliel Cordoba, manunumpa ngayong araw

Manunumpa ngayong Huwebes, Nobyembre 19, si bagong Supreme Court Associate Justice Gamaliel Cordoba sa harap ni Chief Justice Rodil Zalameda.

Pinalitan ni Cordoba si Associate Justice Amy Lazaro-Javier, na nagretiro noong Nobyembre 16 matapos maabot ang mandatory retirement age na 70.

Bago italaga sa Korte Suprema, nagsilbi si Cordoba bilang chairman ng Commission on Audit (COA).

Sa panahon ng kaniyang pamumuno sa COA, nagsagawa ito ng audit sa flood control projects na nagresulta sa hindi bababa sa 50 fraud audit reports na ipinasa sa Office of the Ombudsman at Independent Commission for Infrastructure.

Nagsilbi rin siya bilang commissioner ng National Telecommunications Commission sa loob ng 13 taon. Sa panahong ito, tumulong siyang buksan ang telecom industry sa ikatlong major player at pinayagan ang pagpasok ng Starlink sa bansa.

Si Cordoba ang ikalawang appointee ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Korte Suprema, kasunod ni Associate Justice Raul Villanueva.

Follow SMNI NEWS in Twitter