PCSO, bibili ng 450 ambulansiya na nagkakahalaga ng P1.035 bilyon

PCSO, bibili ng 450 ambulansiya na nagkakahalaga ng P1.035 bilyon

Bibili ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng 450 patient transport vehicles o ambulansiya na nagkakahalaga ng P1.035 bilyon.

Gagamitin sa procurement ang 2026 corporate operating budget ng ahensya para sa mga ambulansiyang ipamamahagi sa mga local government unit (LGU) at medical institution.

Tinatayang P2.3 milyon ang halaga ng bawat unit batay sa approved budget para sa kontrata.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, marami nang LGU ang humihiling ng karagdagang ambulansiya para sa kanilang mga nasasakupan.

Nakatakdang isagawa ang opening of bids ngayong araw, kasunod ng pagtatapos ng manual submission ng mga bidding document.

Follow SMNI NEWS in Twitter