Pagtitiwala ng taumbayan sa SMNI, lalo pang tumaas batay sa Publicus Asia survey

Pagtitiwala ng taumbayan sa SMNI, lalo pang tumaas batay sa Publicus Asia survey

DOBLE ang itinaas ng overall trust ratings ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa loob lamang ng limang buwan batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Publicus Asia.

Sa hanay ng mga media outfits sa bansa, 32.3% ang nakuhang total high trust rating ng SMNI mula sa dati nitong 16% rating nitong nakaraang taon.

Pang walo ito sa lahat ng mga naglalakihang media outfit sa bansa.

“Ang total high trust rating ng SMNI mula sa 16% noong Disyembre sa 32% naman. So dumoble yung respondents namin na nagsasabing meron silang malaki na tiwala o medyo malaki tiwala sa SMNI bilang media outlet,” pahayag ni Aureli Sinsuat, Executive Director, Publicus Asia.

Ginawa ang survey mula Marso 30-Abril 6, 2022 mula sa 1,500 na respondents.

Sa survey, mas mataas ang rank na nakuha ng SMNI kumpara sa ABS-CBN at Rappler.

Kung ang low trust rating naman ang pag-uusapan, batay sa survey ay mas marami ang hindi nagtitiwala sa Kapamilya Network kumpara sa SMNI.

Bago ang survey, 4 na series ng election debates ang ginawa ng SMNI.

Kabilang dito ang isang presidential debate, dalawang magkasunod na araw ng senatorial debate at ang pinakahuli ay ang ‘The Deep Probe’ Presidential Interview.

Lahat ng mga ito, umani ng papuri at tinanggap ng masang Pilipino.

“Kaya maganda rin na ang SMNI ay nagpapalabas ng maraming debate, maraming candidate interviews at iba pang election related programs kaya tingin ko mas malawak na ang following ng SMNI ngayon dahil marami kayong election related programs na nilalabas ninyo,” ani Sinsuat.

Ang tagumpay ng SMNI ay dahil mismo sa pamunuan nito sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ang kanyang direksyon sa network, para sa nation building, i-promote ang magagandang programa ng pamahalaan.

At ang mga dekalidad na programa na kapupulutan ng aral at pagkakaisa ng lahat na mga Pilipino.

“Napagkaisahan natin na may integridad tayo, may kredibilidad lalong lalo na sa pagsasalita ng katotohanan. Hindi para magwasak sa ating bansa kundi para ito’y itayo at ang ating mga kababayan ay magkaroon muli ng hustisya sa mga balitang kanilang naririnig. At ito ay nagpapatayo sa bansang Pilipinas na mahal natin. Kaya para sa Pilipinas nating mahal, iaalay natin ang lahat ng mga papuring ito. At sa ating dakilang Ama ang ating Panginoong Hesukristo na siyang gumagabay sa ating lahat upang ang lipunan ‘yan ang pakay ng SMNI,” pahayag ni Pastor Apollo.

Inaasahan ng Publicus na patuloy ang paglago ng SMNI sa mga darating na panahon.

Follow SMNI News on Twitter