WALANG hinto ang pagpapadala ng tulong ng Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha dala ng shearline at low pressure area sa Davao Region noong nakaraang linggo.
Ayon sa OVP, umabot na sa 3,860 pamilya ang naabutan ng relief bags sa Davao City, Davao de Oro, at Davao del Norte.
Pinangunahan ng OVP-Disaster Operations Center ang distribusyon ng relief bags sa mga pamilya.
Tiniyak naman ng OVP ang tuluy-tuloy na pamamahagi ng ayuda sa libu-libong pamilya sa Davao Region sa buong linggo.