Tulong sa mga apektado ng Bagyong Egay, higit P18-M na—NDRRMC

Tulong sa mga apektado ng Bagyong Egay, higit P18-M na—NDRRMC

NAGPAPATULOY ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga residente na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Egay.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na ito ng mahigit P18-M na kinabibilangan ng family food packs, family kits, hygiene kits, sleeping kits, tubig at iba pa.

Partikular itong ipinamahagi sa Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at Cordillera Administrative Region (CAR).

Umabot na sa 140,923 pamilya o 502,782 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa 1,612 barangay sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Pansamantalang tumutuloy ang 8,890 pamilya o 29,223 indibidwal sa 479 evacuation centers.

Habang ang iba pang residente ay sumisilong sa kanilang mga kamag-anak o kakilala.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble