TUNAY na pagbabago hatid ng tunay na lider—ito ang nagkakaisang sigaw ng mga dumalo sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” Campaign Rally ng “Pastor Quiboloy for Senator Movement” sa Montevista, Davao de Oro.
Mainit na tinanggap ng mga taga-Montevista ang mga programa at proyektong inilatag ng Butihing Pastor kung ito ay maihahalal bilang senador.
Ang campaign rally na ito ni senatorial candidate Pastor Quiboloy ay isa lamang sa mga pagtitipon sa buong bansa, kabilang na ang siyam na senatorial slate ng PDP Laban.