Turismo ng Bohol, maaapektuhan sa Chocolate Hills issue—Environment Professor

Turismo ng Bohol, maaapektuhan sa Chocolate Hills issue—Environment Professor

MAAAPEKTUHAN na ang turismo ng Bohol dahil sa isyu na may kinalaman sa pagkakaroon ng resort sa Chocolate Hills.

Ayon sa Environmental Science Professor ng Mindanao State University na si Hernando Bacosa, hindi na natural para sa mga turista ang nabanggit na lugar dahil sa napakaraming itinayo roon.

Magiging sanhi rin ito para masira o mag-deteriorate ang ecosystem ng Chocolate Hills.

Dagdag pa ng propesor, gaya ng nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro, marami ang nagkansela ng kanilang reservation sa Puerto Galera kung kaya’t apektado rin ang turismo ng lugar.

Kaugnay rito, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na iimbestigahan nila ang operasyon ng Captain’s Peak Resort at sa mga napaulat na pagkakaroon ng iba pang istruktura sa Chocolate Hills.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble