UAE nagbigay ng mahigit ₱50-M na halaga ng relief goods para sa mga biktima ng landslide sa Masara

UAE nagbigay ng mahigit ₱50-M na halaga ng relief goods para sa mga biktima ng landslide sa Masara

NAGPAABOT ng tulong ang bansang United Arab Emirates (UAE) sa mga nabiktima ng landslide sa bayan ng Masara Maco Davao de Oro.

Ang nasabing tulong ay aabot sa P55-M na halaga ng relief goods.

Ito ay itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng isang seremonya na ginanap sa Brgy. Elizalde, Maco, Davao De Oro.

Ang nasabing tulong ay inabot mismo ni UAE Ambassador to the Philippines, His Excellency Mohammed Obaid Alqattam Aizaba.

Sa nasabing seremonya, kasama ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sina Davao de Oro Governor Dorothy Montejo-Gonzaga, at 1001st Infantry Brigade Commander Brigadier General Felix Ronnie Babac.

Kaugnay rito nangako naman ang commander ng 10ID na si Major General Allan D. Hambala na maipapaabot sa mga apektadong komunidad sa Davao de Oro at ilang bahagi ng Davao Region ang tulong na nararapat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble