TINANGHAL bilang 2022 Person of the Year ng Time Magazine si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
Ayon sa nabanggit na magazine, si Zelenskyy ang napili nila para sa award dahil sa kabila ng digmaang nagaganap sa pagitan ng Ukraine at Russia, nagawa pa rin nitong pangunahan at mai-survive ang kanyang bansa hanggang sa kasalukuyan.
Maliban kay Zelenskyy ay kasama sa pinagpipilian para sa award sina Chinese President Xi Jinping, US Politician Liz Cheney at billionaire philanthropist Mackenzie Scott.
Noong nakaraang taon ay ibinigay ang award kay Tesla at SpaceX CEO Elon Musk.