Umano’y tax evaders sa iba’t ibang panig ng bansa, kinasuhan ng tax evasion sa DOJ na umabot sa P3.58-B

Umano’y tax evaders sa iba’t ibang panig ng bansa, kinasuhan ng tax evasion sa DOJ na umabot sa P3.58-B

PERSONAL na pinangunahan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui ang paghahain ng tax evasion cases na nagkakahalagang P3.58 Billion.

Sinabi ni Commissioner Lumagui na ang mga tukoy na negosyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay sinampahan ng reklamong criminal complaints o tax evasion case sa Department of Justice.

Sila ay nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 at inihain ito sa pamamagitan ng programang Run After Tax Evader.

Kabilang sa mga kinasuhan ay 9 mula sa Caloocan City; 6 mula sa Maynila; 4 sa Quezon City; 10 sa Makati City; 7 sa Southern part ng National Capital Region; 6 mula sa Cavite, Batangas, Mindoro at Romblon; 5 sa Laguna, Quezon at Marikina; tig-3 sa Cebu City; Cagayan de Oro City; at sa Butuan City.

Follow SMNI NEWS in Twitter