MATAGUMPAY na naisakatuparan ng OVP – Bicol Satellite Office ang unang batch ng pagsasanay para sa 44 na aplikante ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) Program nitong May 5, 2025, katuwang ang Department of Trade and Industry – Albay Provincial Office.
Sa pagsasanay na ito, binigyang-diin ang kahalagahan ng financial literacy bilang pundasyon ng matagumpay na pagnenegosyo.
Ang financial training na ito ay parte ng MTD Program ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng livelihood assistance sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.