KINUMPIRMA ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA) ang unang kaso ng Q Fever disease sa inangkat na kambing mula US at dinala sa Santa Cruz, Marinduque.
Ang naturang sakit ay nakahahawa rin sa mga tao dahilan para magdulot ito ng flu-like symptoms tulad ng lagnat, fatigue, at muscle pain.
Bumuo na rin ng fact-finding committee ang DA para sa gagawing imbestigasyon sa umano’y iregularidad ng ilang opisyal ng ahensiya.