US-China trade war, may pag-asa pang maayos —geopolitical analyst

US-China trade war, may pag-asa pang maayos —geopolitical analyst

NAGKAROON ng direktang pag-uusap sa telepono sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping kamakailan kung saan naging sentro ng usapan ang patuloy na trade dispute ng dalawang pinakamalalaking ekonomiya sa mundo.

Bahagi ng kasunduang ito ang pagbawas sa mga ipinapataw na buwis o taripa sa mga produkto ng bawat bansa.

Matatandaan na nagpatupad ng mataas na taripa sa lahat ng trading partners ng Amerika noong Abril si President Trump at kasali na rito ang bansang china.

Para kay Prof. Anna Malindog-Uy, isang geopolitical analyst, malinaw na kaya naging maayos ang pag-uusap ng dalawang lider ay dahil nauunawaan na raw ni Trump na hindi madaling umatras ang China sa mga ganitong isyu.

 “This time around given the status ng china parang tingin ko alam ni trump at nakikita niya na china will not bend kahit anong gawin niya, mag-imposed pa siya ng 200 tariff or kahit palayasin niya pa lahat ng chinese na nag-aaral sa united states even sa harvard, i don’t think china will bend,” ayon kay Prof. Anna Malindog-Uy.

Dagdag pa ni Prof. Anna, mukhang may mga senyales na posibleng maresolba ang ilang mahahalagang isyu sa pagitan ng dalawang bansa.

“So makikita mo ngayon may mga moves yung dalawang bansa na makikita mong may opening na in a way na baka maresolved nila ang iilang issues na very critical especially when we talk about trade and economics,” saad nito.

Paliwanag pa ng eksperto, kung magkasundo man ang US at China, malaking epekto ito sa ekonomiya, hindi lang ng dalawang bansa kundi pati na rin sa buong mundo.

 “This is very important too kasi kapag yung dalawang bansa medyo nagkakasundo on certain level lalo na sa ekonomiya it will have a positive impact to the global economy kasi this are two biggest markets and strongest economies in the world at the moment,” ani Prof. Anna Malindog-Uy.

Ayon naman sa isang Chinese state media, iginiit ni President Xi na dapat magtulungan ang dalawang bansa at binigyang-diin niya na dayalogo at kooperasyon ang pinakamagandang solusyon para maresolba ang kanilang mga problema.

Matatandaang kapwa nagbatuhan ng akusasyon ang US at China nitong mga nakaraang linggo kaugnay ng umano’y paglabag sa kanilang kasunduan sa Geneva kung saan nagkasundo sila na ibaba ang mga ipinapataw na taripa sa kanilang bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter