US, nangakong dedepensahan ang South China Sea

US, nangakong dedepensahan ang South China Sea

NANGAKO ang Estados Unidos na dedepensahan ang Pilipinas sa lumalalang tensiyon nito sa Beijing South China Sea, kasabay na rin ng pagsisimula ng pinakamalaking joint exercise sa pagitan ng dalawang bansa.

Nasa halos 18,000 na tropang militar mula US at Pilipinas ang makikilahok sa taunang joint exercise kung saan sa unang pagkakataon ay magsasagawa rin ng live-fire drill sa South China Sea na halos sinakop na ng Beijing.

Ayon kay Secretary of State Antony Blinken, nananatiling matibay ang relasyon ng US sa Pilipinas at dedepensahan nito ang bansa laban sa kahit na anong pananakot at pambabanta kabilang na ang isyu sa South China Sea.

Sinabi rin ni Defense Secretary Lloyd Austin na plano ng Pilipinas at US, na muling magsagawa ng joint military exercise ngayong taon kabilang na rin ang iba pang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter