Utah Jazz, kinapos sa laban kontra Portland Trial Blazers

Utah Jazz, kinapos sa laban kontra Portland Trial Blazers

BAHAGYANG kinapos ang Utah Jazz sa laban kontra Portland Trial Blazers sa nagpapatuloy na nba regular season.

Sa kanilang game, nagwagi ang Portland sa iskor na 114-112.

Nakatulong sa panalo ng team ang 10 points lead sa end of first half sa iskor na 61-51.

Sa last 2 minutes ng kanilang laro, napanatili ng Trial Blazers ang naturang kalamangan sa iskor na 109-99.

Sinubuka namang humabol ng Jazz hanggang sa maidikit sa 1 point ang lamang ng Utah sa last 3.6 seconds.

Nagka-tyansa pang manalo o tumamba ang Jazz ngunit bigo ang 3 point attempt ni Keyonte George na nag-ambag ng 21 points para sa Jazz.

Sunod na makakalaban ng Jazz sa kanila pa ring homecourt ang Sacramento Kings sa Huwebes, Feb. 27.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble