NAMUMULITIKA lang ang International Criminal Court (ICC) at ang Vera Files.
Ito ang hayagang sinabi ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa panayam ng SMNI News.
Kasunod ito ng lumabas na article ng Vera Files kung saan tinukoy sina Vice President Sara Duterte, Sen. Bong Go at Sen. Bato dela Rosa na kasama sa mga dokumentong isinumite sa ICC kaugnay sa drug war killings.
Nakasaad pa sa artikulo ng Vera Files na sangkot si VP Sara dahil alam umano nito at inaprubahan ang mga pagpatay noong ito pa ang alkalde ng Davao City, at kapag hindi umano tatalima ang pangalawang pangulo sa summon ng ICC ay maiisyuhan ito ng warrant of arrest.
Tinawanan naman ni Dela Rosa ang naturang artikulo ng Vera Files kasabay ng pahayag na hindi ito naniniwala sa naturang online fact checker dahil sa pagiging makakaliwa nito.
Giit ng senador, pareho lang ang ICC at ang Vera Files na namumulitika.
Ipinunto pa ni Dela Rosa na idinadamay si VP Sara dahil posible itong tumakbo at manalo sa pagka-presidente ng bansa.