NAGKAROON ng 22 volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands sa nakalipas na 24 oras.
Batay ito sa 5am update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, Mayo 28, 2025.
Ang Bulkang Taal sa Batangas ay nagkaroon ng 12 volcanic earthquakes kabilang na ang 9 volcanic tremors na umabot ng dalawa hanggang pitong minuto ang haba.
Samantala, ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon ay nagkaroon ng 8 volcanic earthquakes habang ang Bulkang Mayon naman sa Albay ay nakapagtala ng 2 rockfall events.