MAGPAPATULOY ang voter registration sa huling linggo ng Nobyembre hanggang sa huling linggo ng Mayo 2023.
Ito ang inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia matapos ipagpaliban ang Barangay and SK Elections (BSKE) sa Oktubre 2023.
Ayon pa kay Garcia, wala nang magiging gun ban simula sa Oktubre 23, 2022 at kanila nang ihihinto ang pag-iimprinta ng mga balota.
Muli naman siniguro ng COMELEC na walang masasayang na election paraphernalia at magagamit pa rin ito sa susunod na halalan.
Sinabi ni Garcia na pumalo na sa isang bilyong piso ang kanilang nagastos para sa paghahanda sa BSKE.