NANAWAGAN si Presidential aspirant Vice-president Leni Robredo na tigilan na ang ginagawang panloloko sa mga rider at mamimili.
Ito ay matapos makatanggap ang opisina ni Robredo ng mahigit P100,000 na halaga na Metromart orders na cash on delivery kahapon.
Ayon kay Robredo, lubos siyang nag-alala sa mga panloloko sa mga rider na sobrang naabala sa insidente at nabasa rin ng ulan.
Binigyan-diin ni Robredo na kinakawawa lamang ng mga scammer ang mga rider at mga shopper na kanilang mga nabibiktima.
Nagpasalamat naman si Robredo sa pamunuan ng Metromart para sa maayos na pagbabalik ng orders.
Kasalukuyang ginagawa ng Metromart ang imbestigasyon sa pakikipagtulungan ng office of the Vice-president.