BINISITA ni Vice President Sara Duterte noong Sabado, Abril 13 ang burol ng dalawang piloto ng Philippine Navy na nasawi sa bumagsak na chopper sa Cavite noong Huwebes.
Nakiramay si VP Sara sa mga pamilya ng mga nasawi na kinilalang sina Lieutenant Jan Kyle Borres, 36 na taong gulang at si Ensign Izzah Leonah Taccad na 27 taon gulang.
Nakaburol ang mga ito sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio sa Taguig City.