DUMALO sa ika-49 na Philippine Business Conference at Expo (PBC & E) si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Manila Hotel, Ermita, Manila nitong Miyerkules, Oktubre 25, 2023.
Ibinahagi ni VP Duterte sa kaniyang mensahe ang kahalagahan ng edukasyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Aniya, ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa mga kabataang Pilipino ay may mahalagang papel sa paghubog ng kanilang kinabukasan at ang pag-unlad na isinusulong bilang isang lipunan.
Sinabi ni VP Duterte na kailangan ng bansa na mamuhunan para sa pag-upgrade ng edukasyon tungo sa mga pamantayan sa First World.
“In striving for a first world economy, we need to invest in upgrading education towards first world standards,” pahayag ni VP Sara Duterte.
Dagdag ni VP Sara, ang dekalidad na edukasyon ang pundasyon para sa pagpauunlad ng human capital – ang pinakamalaking mapagkukunan ng bansa.
“Quality education is the foundation for the development of human capital – our country’s greatest resource,” ayon sa Pangalawang Pangulo.
Dahil aniya sa layunin na makabuo ng mga Pilipinong matatag, globally competitive at contributors sa nation-building, inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang MATATAG Agenda na tinatawag na Basic Education Development.
Saklaw nito ang mga kurikulum, imprastraktura, mga mapagkukunan sa pag-aaral, at kapakanan ng guro na nagsisilbing roadmap sa pag-angat ng kalidad ng basic education.
“Covering core areas such as the curriculum, infrastructure, learning resources, and teacher welfare, this serves as our roadmap in upgrading the quality of basic education towards First World standards,” ani VP Duterte.
Sa patnubay ng MATATAG Agenda, gumawa ang DepEd ng mga inisyatiba upang matugunan ang iba’t ibang hamon na kinakaharap ngayon ng basic education.
Dito ipinaliwanag ni VP Duterte ang apat sa kanilang mga hakbangin: ito ay kurikulum, kapakanan ng guro, imprastraktura, at teknolohiya.