VP Sara Duterte, bibiyahe sa Malaysia kasama ang pamilya

VP Sara Duterte, bibiyahe sa Malaysia kasama ang pamilya

BIBIYAHE patungong Kuala Lumpur, Malaysia si Vice President Sara Duterte kasama ang kanyang pamilya.

Ayon sa pahayag ng Office of the Vice President, isang personal trip ang biyahe ni VP Sara sa Kuala Lumpur.

Pero bahagi ng biyahe ng Pangalawang Pangulo ay ang pagdalo niya sa pagdiriwang ng Independence Day ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa darating na June 12.

Bukod dito, nakatakda rin siyang makipagpulong sa mga Overseas Filipino Worker para sa isang program consultation kaugnay ng mga inisyatiba ng OVP para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble