VP Sara Duterte, tutulungan ang magsasaka ng Alaminos sa programang ‘Magnegosyo Ka Day’

VP Sara Duterte, tutulungan ang magsasaka ng Alaminos sa programang ‘Magnegosyo Ka Day’

TUTULUNGAN ng Office of the Vice President (OVP) ang mga magsasaka ng Alaminos.

Ito ang ipinangako ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang pagbisita sa Hundred Islands Festival at City Fiesta ng Alaminos kung saan naging panauhing ito Agri Trade Expo 2023 ng Alaminos.

Pinuri din ni VP Sara ang Alaminos dahil naipakilala at napreserba nito ang ganda ng Alaminos Hundred Islands.

Kinilala rin ni VP Sara ang lahat ng mga pagsisikap ng mga magsasaka at mangingisda na nakatutulong sa bansa.

Tiniyak naman ni VP Sara na may mga serbisyo ang administrasyong Marcos para sa pagbangon mula sa pandemya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter