VP Sara may ipinagpasalamat kay Marcos Jr. sa gitna ng nangyari kay FPRRD

VP Sara may ipinagpasalamat kay Marcos Jr. sa gitna ng nangyari kay FPRRD

PINASALAMATAN pa rin ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa gitna ng mga nangyayari sa kanilang pamilya sa kasalukuyan.

Sa isang interview mula sa The Hague, Netherlands, sinabi ni VP Sara na kahit “ironic” kung tawagin, nagkaayos sila ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa anumang hindi pagkakaintindihan nila dahil sa kaniyang pagkakakulong ngayon sa detention center ng International Criminal Court (ICC).

Ito na ang dahilan aniya kung bakit kahit papaano ay nagpapasalamat siya kay Marcos Jr. sa ginawa ng kaniyang administrasyon laban kay FPRRD.

Sa panig ng bunsong anak ni FPRRD na si Kitty Duterte, dito niya nakita na mas nagkaisa at mas naging matatag pa ang kanilang buong pamilya sa nangyari ngayon sa kanilang ama.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble