BINIGYANG-diin ni Vice President Sara Duterte na lahat ng mga tao ay may ‘freedom of speech’.
Dahil dito, hindi niya pipigilan kung anuman ang nais sabihin ng isang tao lalong-lalo na kung tungkol sa kaniya.
Sa katunayan, nirerespeto niya ito.
Ang pahayag na ito ni VP Sara ay sagot niya na rin sa mga politiko, grupo at indibidwal na atat siyang ma-impeach sa puwesto.
Hinggil din sa impeachment, sinabi ni VP Sara na ang Senado ang inatasan ng Saligang Batas bilang impeachment court.
Nasa kanila na ang buong discretion kung ano ang nararapat na gawin sa inihaing impeachment case laban sa kaniya.
Matatandaang 18-5 ang boto ng Senate Impeachment Court, pabor sa pagpapabalik ng articles of impeachment sa Kamara mula Senado.