PERSONAL na binisita ni Vice President Sara Duterte ang pamilya at mga kaibigan ni Ginang Vivian Que Azcona noong Sabado sa Quezon City upang ipahatid ang kaniyang taos-pusong pakikiramay.
Si Ginang Que Azcona ay ang Presidente ng Mercury Drug Corporation, isang kilalang kompanya ng mga botika sa Pilipinas na may malaking ambag sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino, partikular sa pagbibigay ng mga gamot at pangkalusugang pangangailangan.
Ayon kay VP Sara, malaki ang naitulong ng Mercury Drug sa bawat pamilyang Pilipino, at bilang pagkilala sa pamumuno ni Ginang Que Azcona, kaniya itong ginunita at ipinaabot ang panalangin para sa mga naiwang mahal sa buhay.
“Muli, ang aking taos-pusong pakikiramay at panalangin sa kaniyang pamilya at mga kaibigan,” pakikiramay ni Vice President Sara Duterte.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.