TINIYAK ni Muntinlupa Congressional Candidate Atty. Silverio “Biyong” Garing na walang kalaban ang PDP DuterTEN sa kanilang lungsod.
Ayon kay Garing, tanging ang PDP lamang ang welcome sa Muntinlupa, kaya’t walang magiging sagabal sa kanilang kampanya.
Kasabay nito, hinimok ni Garing ang kanyang mga kababayan na iboto ang buong DuterTEN slate sa darating na Mayo 12. Aniya, ang pagkakaisa at suporta sa DuterTEN ay magsisilibing hakbang tungo sa mas maunlad at mas matatag na bansa.
Ang DuterTEN ay isang koalisyon na binubuo ng mga kandidato na may malapit na ugnayan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang na si Pastor Apollo C. Quiboloy, na tumatakbong senador.