PINAG-IISIPAN ng gobyerno ng Malaysia kung papayagan ang walk-in para sa COVID-19 booster shots sa bansa.
Inihayag ni Health Minister Khairy Jamaluddin na ang gobyerno ang magdedesisyon kung papayagan ang walk-in para sa COVID-19 booster shots sa bansa.
Ayon kay Khairy, ang desisyong ito ay nabuo matapos hindi sumipot ang 40% ng mga indibidwal na nakatakdang tumanggap ng booster vaccine batay sa petsa ng kanilang appointment sa mysejahtera app.
Ito ay nagbigay alalahanin sa posibilidad ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 kung ang bilang ng nakakatanggap ng booster dose ay nananatiling mababa.
Samantala, patuloy na hinihikayat ng gobyerno ang publiko na sumipot sa araw na itinakda para sa kanilang booster dose upang mapanatili ang bisa ng bakuna laban sa COVID-19.