ISA ang yate sa mga iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) na posibleng ginamit ng mga suspek sa pagahatid ng halos 2 toneladang shabu sa Batangas nitong Lunes, Abril 15, 2024.
Sinasabing nanggaling sa Nasugbu, Batangas ang droga bago ito nasakote sa isang police checkpoint sa Brgy. Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas.
Batay sa opisyal na report ng Batangas PPO, nasa 1.424 tons lamang ang laman ng Foton Van na minamaneho ni Al Michael Zarate na may street value na P9.6B taliwas sa naunang anunsiyo na umabot ito ng P13-B ang halaga ng nahuling shabu.