PINABULAANAN ng YG Entertainment na magtatayo ng sariling agencies ang Blackpink members na sina Jennie at Jisoo.
Sa kabila ito ng isyung contract renewal sa pagitan ng apat na Blackpink members.
Sa naunang news leak, ang pagtatayo umano ng sariling agencies ng dalawa ay hakbang para mapamahalaan ang kani-kanilang solo activities sa hinaharap.
Matatandaan din na sa unang mga balita ay sinabing ang main vocalist lang nila na si Rose ang lumagda ng panibagong kontrata sa pagitan ng YG Entertainment.
Ang tatlo naman kasama na si Lisa ay sinasabing nakikipag-usap na sa ibang mga kompanya at maaaring lilipat na rito.