₱.5-B budget para sa security screening equipment sa mga paliparan, target para sa 2024 –OTS

₱.5-B budget para sa security screening equipment sa mga paliparan, target para sa 2024 –OTS

HINIHILING ng Office for Transportation Security (OTS) ang dagdag na security screening equipment para sa mga paliparan sa buong Pilipinas.

Inihayag ni OTS Usec. Mao Aplasca na nakasusunod na sa International Standard ang Pilipinas pagdating sa Security Screening Equipment.

Pero ayon kay Aplasca hindi pa rin sasapat ang mga kagamitan na ito dahil marami pa sa mga paliparan lalo na sa mga probinsiya ang nangangailangan nito.

Sa ngayon kabilang sa mga Security Screening Equipment na ginagamit sa mga paliparan ngayon ay ang:

  1. AIT – Advanced Imaging Technology
  2. X-ray machine with Automatic Tray Retrieval System
  3. Walkthrough Metal Detector
  4. Hand Held Metal Detector

Pero dagdag pa ng OTS chief pinag-aaralan na rin ng kanilang Joint Technical Working Committee ang pag-aalis ng initial screening sa paliparan sa halip ay final screening na lamang upang bawas abala sa mga pasahero kagaya ng mga paliparan sa ibang bansa .

Aminado rin si Aplasca kahit kailangan pa ng mga makabagong equipment ang mga paliparan sa bansa ay hindi pa rin naging hadlang ito para makapasa ang Pilipinas sa isinagawang assessment ng United States Transportation Security Administration (US-TSA).

Ibig sabihin ligtas na lumalapag ang mga eroplano na may direct flights mula Pilipinas patungong Amerika.

Kaugnay nito, nagpapasalamat naman ang Philippine Airlines na may direktang flight patungong Estados Unidos dahil sa matagumpay na naipasa ng Philippine flag carrier ang kamakailang isinagawang quality control inspection ng US TSA.

Ayon kay PAL President at Chief Operating Officer na si Capt. Stanley K. Ng, ito’y dahil sa patuloy sila na sumusunod sa lahat ng mga requirements ng kanilang mga flight sa pagitan ng Maynila at Estados Unidos.

“Our airline remains compliant with all requirements for our flights between Manila and the United States, as with other routes. The men and women of our flag carrier shall continue to uphold the highest standards of safety and security to protect the flying public,” pahayag ni Ng.

Patuloy rin nilang itinataguyod ang pinakamataas na pamantayan ng kaligtasan at seguridad upang protektahan ang pasahero.

Follow SMNI NEWS in Twitter