UMABOT ng 1.3 milyong boto ng mga Pilipino para sa mga senador ang hindi nabilang ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Ito’y dahil ikinokonsiderang invalid matapos nilang markahan ang higit sa 12 kandidato sa 2025 midterm elections.
Ayon sa poll body, katumbas ito ng humigit-kumulang 2% mula sa 57.3 milyon na mga Pilipinong bumoto.
Samantala, noong Sabado, Mayo 17, 2025 ay opisyal nang naiproklama ang 12 nanalong senador para sa midterm elections.