1.4-M na pasahero, inaasahan sa mga pantalan para sa Undas, BSKE

1.4-M na pasahero, inaasahan sa mga pantalan para sa Undas, BSKE

SA taya ng Philippine Ports Authority (PPA), aabot sa 1.4 milyon na pasahero ang dadagsa sa mga pantalan para sa long weekend dahil sa Undas at pagdaraos ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang forecast na ito ng PPA ay anim na porsiyentong mas mataas kesa sa mahigit 1.3M na naitala nila noong 2022 sa magkatulad na panahon.

Ayon sa PPA, ang pagdami ng mga pasahero ngayon ay dahil na rin sa mas maluwag na ang travel requirement pagkatapos ng pandemya.

Inaasahan naman ng PPA na bubugso ang pasahero sa Oktubre 28, araw ng Sabado base na rin sa record ng management sa mga nakalipas na mga taon.

Pinaigting na rin ng PPA ang seguridad sa 25 pantalan sa bansa kasama ang pagkakaroon ng 24/7 CCTV monitoring at deployment ng K9 dogs.

Ang mga bagahe at pasahero ay idadaan sa mga X-ray machines at body scanners.

Puwede namang i-check ng mga biyahero ang mga social media account ng PPA para sa mga update at tumawag sa 24/7 landline numbers ng PPA para sa kanilang mga concern.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter