POSIBLENG aabot sa 1.5 milyon na bisita o 50,000 kada araw ang inaasahang darating sa bansa sa katapusan ng Disyembre ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, inaasahan ang pagdagsa ng mga pasaherong darating at aalis dahil sa Christmas season at dahil na rin sa pagbukas ng mga border na isinara dahil sa pandemya.
Kaugnay rito, naunang nakapagtala ng halos isang milyong monthly arrivals sa isang buwan.
Nitong Nobyembre 2023, nakapagtala ang ahensiya ng 1,160,699 passenger arrivals, halos kalahati nito ay mga dayuhan.
Samantala, nagtalaga na rin ang BI ng karagdagang manpower resources na seserbisyo sa mga biyahero sa panahon ng holiday rush at nagbukas ng ‘’E-gates’’ Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport sa Pampanga at iba pang major port of entry para sa mas madaling proseso ng kanilang papeles sa pagbiyahe.