1-k kabataan, target ng Parañaque na mapasama sa “Chikiting Ligtas” Immunization Program

1-k kabataan, target ng Parañaque na mapasama sa “Chikiting Ligtas” Immunization Program

TINATARGET ng Parañaque City ang makapagpabakuna ng hanggang 1-k day care students laban sa polio, rubella at measles.

Bahagi ito sa nagpapatuloy na measles rubella Bivalent oral polio vaccines supplemental immunization activity sa buong bansa.

Mismong pinangunahan ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang pagtuturok ng bakuna sa iba’t ibang Day Care Centers sa Barangay San Dionisio.

Si Mayor Olivarez ay isang registered nurse.

May 2, 2023 nang magsimula ang immunization ng mga kabataang edad 0 – 10 years old sa Parañaque.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter