1 milyong pisong reward, alok para madakip ang 2 pang persons of interest sa pagsabog sa Marawi City

1 milyong pisong reward, alok para madakip ang 2 pang persons of interest sa pagsabog sa Marawi City

NAG-ALOK na ng isang milyong pisong pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng dalawa pang persons of interest (POIs) sa pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na ang pabuya ay nagmula sa isang personalidad na hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Fajardo, layunin ng nasabing pabuya na matunton ang kinaroroonan at pagkakakilanlan ng dalawa pang POIs.

Bukod pa ang dalawang POIs sa dalawang suspek na sina Kadapi Mimbesa, alyas Engineer; at Arsani Membesa, alyas Khatab.

Sa ngayon, tatlong indibidwal na ang nahuli sa pagsabog sa MSU kabilang si Jaafar Gamo Sultan, alyas Kulot at ang dalawang nagkanlong sa mga suspek na sina alyas Maausor at alyas Monatanda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble