1 miyembro ng CTG, nasawi sa engkuwentro sa pagitan ng 24th IB

1 miyembro ng CTG, nasawi sa engkuwentro sa pagitan ng 24th IB

NASAWI ang isang miyembro ng communist terrorist group (CTG), sa engkuwentro sa pagitan ng 24th IB sa ilalim ng 501st Infantry Brigade sa Sitio Lamunan, Brgy. Gacab, Malibcong, Abra pasado alas-sais y medya ng umaga, Oktubre 3, 2023.

Narekober din sa pinangyarihan ng labanan ang iba’t ibang kagamitang pandigma at personal na gamit.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng nasawing NPA member, na kabilang sa Komiteng Larangang Guerilla North Abra (KLG North Abra).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter